Sa panahon ngayon marami ang kapos ngunit gustong matuto at magkaroon ng kasanayan sa bawat paggawa. Kaya naman ang TESDA ay nag-aalok ng iba’t-ibang libreng training sa pamamagitan ng kanilang TESDA Scholarship Program, na kung saan kung ikaw ay kwalipikado ay may allowance pang nakalaan sa bawat pagsasanay na gagawin mo.
Narito ang dalawang paraan ng pag-aapply ng TESDA Scholarship
Online Application
1. Punan lamang ang bawat patlang sa form na ito Online Application System for TESDA Scholarship Programs para sa pagkuha ng Leaner’s ID. Tandaan lahat ng ilalagay mo dito ay pawang mga katotohanan lamang. Tulad ng mga sumusunod at iba pa;
- Personal Information
- Contact Information
- Parents/Guardian Infos
Matapos ang mapunan ang bawat patlang pindutin lamang ang Agree at kung siguraduhing tama ang lahat ng inilagay bago pindutin ang CREATE.
2. Piliin ang kurso at ilagay ang apelyido at Leaner’s ID.
3. Matapos nito hintayin lamang ang kasagutan ng TESDA sa iyong email.
Walk-In Application
1. Mangyaring pumunta lamang sa pinakamalapit na TESDA training center sa inyong lugar at itanong sa namamahala kung ang Scholarship Programs ay available sa kanilang tanggapan.
2. Kung meron sa nasabing TESDA training center, pumili ng kurso at ipasa ang mga kinakailangang requirements.
Leave a Reply