Malayo na nga narating ng dating TESDA Scholar na si Mary Hope Viñas ng Parañaque City, Halos iba’t ibang lugar na ang napuntahan nito para makapaghanap-buhay at mapatunayan ang galing. Nagumpisa ang lahat ng malaman nya isang commercial ang mga libreng programang alok ng TESDA, na siyang nag-udyok sa kanya sa para kumuha ng kursong Shielded Metal Arc Welding NC II sa TESDA Women’s Center, sa Taguig City.
Marami man ang kumukwestiyon sa kanyang kredibilidad bilang babaeng welder, nagpursigi pa din si Hope para patunayan na dapat ding ipagmalaki ang kakayahan ng mga kababaihan. Ang skills na natutunan sa TESDA ang kanyang naging puhunan para gawin ito.
Una niya itong pinatunayan sa Pridex Company sa Tarlac, Mechatrends Company sa Cavite, Atlantic Gulf at Pacific (AG & P) sa Bauan, Batangas, at sa Nationstar Company Manila.
Mula sa Pilipinas, dinala rin ni Hope ang kanyang welding skills ibang bansa. Pumasok siya bilang structural plate welder sa Whessoe Company sa Laos kung saan ay napabilang siya sa mga trabahante ng makasaysayang Laos Mega Dam Project at nakapagtrabaho din sa Siam Tone Engineering sa Mozambique, Africa.
Ngayon ay isa nang safety officer ng Philvent Industrial Corporation sa Pasay City si Hope at hinihikayat ang mga tulad niyang TESDA scholar na subukan ang mga ibinibigay na oportunidad ng Panginoon.
“I-try po natin lahat ng pwedeng makatulong sa atin. I-try po natin yung mga bagay na akala natin ay hindi para sa atin pero ito pala ‘yung magiging way ni God para mahubog yung skills natin. Tiwala lang po sa sarili, kung ‘di natin susubukan hindi po natin makikita ‘yung worth natin,” sambit ng Tesda scholar.
Leave a Reply