Magandang balita ito para sa mga interesado, mas pinadali ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kanilang Mobile service Application. Para mas mapabilis ang pag-aaral ng mga nais kumuha ng libreng kurso sa Tesda Online Program.
Ang developer ng nasabing mobile apps na ito ay ang software technology developer na Bizooku Philippines. Nagkaroon ng kasunduan ang ahensya ng TESDA at ang software developer na Bizooku na magtutulungan upang mapalakas at mapabilis ang paghahatid tulong sa mga kababayan nating nais gamitin ito.
Layunin ng mobile apps na ito at ayon na rin kay TESDA Secretary Isidro Lapeña, sa pamamabigitan ng ng apps na ito mas makakapagbigay ang ahensya ng mas maraming trabaho para sa kanilang mga certified TESDA students. Hindi lang ang mga TESDA students ang makakagamit nito mas mapapalawig nito ang pagbibigay serbisyo sa ibang mas malayo ang lugar na interesdong matuto at makapag-aral libre online.
Matatandaang unang denevelop ang TESDA mobile app na ito noong 2019 ng Bizooku Philippines bilang information at E-learning platform ng mga Pilipino kung saan nagkaroon ito ng libo-libong downloads at engagements. Sa ngayon patuloy na dumadami ang gumagamit nito at nabibigyan ng maayos na serbisyo.
Sa mga nais magdownload at subukan ito pumunta lamang kayo sa inyong Google Playstore para sa mga android user at sa mga naka IOS naman ay sa IOS apps store.
Leave a Reply