Isa sa pinaka malaking tulong na sangay ng pamahalaan ang Technical Education and Skills Development Authority’s o TESDA.
Ayon kay Secretary Isidro Lapeña, sa kasalukuyan ay mayroong tinatayang 73,000 Overseas Filipino Workers o OFWs at kanilang mga dependents ang nag-enrol upang matuto ng iba’t ibang mga kasanayang ituturo sa ilalim ng mga training programs ng TESDA.
At dahil nasa ilalim pa rin tayo ng pandemya mas marami ang pumili ng online training na umabot sa 71,251. Samantala, ang iba naman ay aktuwal na scholarship programs parin ang pinili sa kabila ng pandemya.
Malaking tulong ito sa mga OFWs at kanilang mga dependents dahil magagamit ang mga kasanayang matututuhan upang makahanap ng trabaho o pangkabuhayan sa gitna ng krisis na hinaharap.
Samantala, most in-demand jobs naman ngayon ang mga may kinalaman sa agrikultura, construction, health and wellness, Information Technology and Business Process Management (IT-BPM), at marketing.
Ito ay dulot na rin ng pandemya kaya naging prayoridad umano ang agrikultura upang matugunan ang pangangailangan lalo na sa food security. “We give focus to these fields that would likely give more employment opportunities to our countrymen during this time,” wika pa ng kalihim.
Hindi naman lingid na Malaki ang naiaambag na tulong ng mga OFWs sa ating bayan kaya mainam din na pinagtuunan ng pansin ang pagbibigay sa kanila ng training at tulong.
“The program provides easy access to TESDA training programs, by providing the OFWs and their dependents with a link on TESDA mobile app. Through this link, the OFWs and their dependents can easily fill out the registration form,” dagdag pa ni Lapena tungkol sa paglulunsad ng “TESDA Abot Lahat ang OFWs” noong Hunyo.
Nakakatanggap naman ng 160.00 training allowance, 500 internet allowance, 500 health/personal protective equipment allowance, at one-year accident allowance ang mga trainees at scholars, na dumadalo sa kanilang blended learning o online classes.
Ginagawa daw ng TESDA ang kanilang makakaya upang makiapag-ugnayan sa mga OFW community at mahikayat na mag-avail ng kanilang training programs dahil makakatulong umano ito sa kanila.
Leave a Reply